MAGPAPAHINGA muna ang tatlong makasaysayang lola ng Eat Bulaga sa pagpasok ng Bagong Taon.
Ito ang kinumpirma ng TAPE at APT Entertainment boss na si Tony Tuviera.
May bagong pasabog daw na gagawin sa 2018 sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Wally Bayola na kilala rin bilang JoWaPao na tumatak sa phenomenal Kalyeserye ng Eat Bulaga as Lola Nidora, Lola Tinidora at Lola Tidora.
“Magpapahinga na muna ang mga lola, kumbaga, they will be hosting the segment (Sugod Bahay/All For Juan, Juan For All) as themselves, and expect more exciting surprises from them,” ani Mr. Tuviera.
Ibinandera rin ng big boss ng Eat Bulaga na mas mahabang airtime ang ibinibigay sa JoWaPao at ang segment nila ang pinakamataas ang rating sa kabuuan ng programa kung saan kasama rin ang Phenomenal Loveteam nina Maine Mendoza at Alden Richards.
Samantala, inamin din ni Mr. T na ginu-groom talaga nila ang JoWaPao to be the next TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon). Mahigit 38 years nang pinaghaharian ng tatlong TV host-comedian ang longest-running noontime show sa Asya at alam nilang darating ang panahon na hindi na masyadong magiging visible ang tatlo sa telebisyon.
Pero ayon sa big boss ng EB, hiling pa rin nila na tumagal pa ang TVJ sa kanilang noontime show, “Kasi iba pa rin talaga yung magic nila.” Ikinumpara rin ni Mr. T ang tatlo sa kalibre nina Da King Fernando Poe Jr. at Comedy King Dolphy.
“Hindi mo masabi kung sinong papalit sa kanila habang nandiyan sila. Kumbaga, institusyon, e,” ani Mr. Tuviera kasabay ng pagsasabing baka raw sa mga susunod na taon ay si Vic na lang ang maging active sa pagho-host.
“Siya yung pinakabata, e. At kumbaga parang siya yung face (ng EB),” sey pa ng TV executive. Si Joey ay 71 na habang 69 si Tito at 63 naman si Vic.
Agree naman si Mr. T na malakas pa rin ang hatak ni Bossing sa lahat ng klase ng audience, mula sa mga senior citizen hanggang sa mga bagets ay love na love siya, “Merong mystery, e. Saka siyempre, iba talaga yung charisma niya.”
Nauna na naming ibinalita rito na sa April, 2018 ay lilipat na ng studio ang Eat Bulaga na pag-aari na ng APT at matatagpuan sa may Marcos Highway, “Halos nasa 90 percent na yung natatapos, kulang na lang, mostly technicals, lighting, sounds, cabling.”
Ngayon pa lang ay naghahanda na rin sila para sa 40th anniversary ng EB na magaganap sa 2019, “No details yet, but it’s going to be big.”
Natanong din si Mr. T kung ano ba ang sikreto ng kanilang tagumpay, “We run the company as a family. Hindi magtatagal ng ganyan iyan kung aalis nang aalis ang mga hosts o magpapalit parati ng tao o mag-iisip parati ng bago dahil sa mga ganyang changes. So if you’re in there, you will feel it.”
At ang pinakamahalaga raw sa lahat, “We help each other, we protect each other.