Kapuso stars humakot ng tropeo sa Anak TV Awards

MULING pinarangalan ng Anak TV Foundation ang GMA 7 dahil sa patuloy nitong pagpapalabas ng child-friendly programs.

Ang GMA News pillars na sina Arnold Clavio at Vicky Morales ay nakabilang na sa Makabata Hall of Fame matapos nilang magawaran ng Makabata Star sa loob ng pitong taon.

Hall of Famer na rin ang Box Office King at Eat Bulaga host na si Vic Sotto. Ilan sa mga Kapusong una nang naisama sa Hall of Fame ay sina Mel Tiangco, Mike Enriquez at Jessica Soho.

Kasali naman sa mga Kapuso program na ginawaran ng Anak TV Seal ay ang primetime newscasts na 24 Oras at 24 Oras Weekend, Kapuso Mo, Jessica Soho, Unang Hirit at Wish Ko Lang.

Kasama rin dito ang top-notch documentary program na I-Witness; ang nangungunang infotainment show na AHA!; ang medical television program na Pinoy MD; ang wildlife program na Born To Be Wild; at ang weekly infotainment show na iBilib.

Ilang programa rin ng GMA News TV ang kinilala ngayong taon: Ang Pinaka; Biyahe Ni Drew, Brigada, Day Off, Good News, I Juander, Idol sa Kusina, Investigative Documentaries, News To Go, Pop Talk, Quick Response Team, Reel Time at Wagas.

Kinilala naman bilang Male Makabata Stars sa taong ito sina Kapuso primetime King Dingdong Dantes; Pambansang Bae Alden Richards; public affairs host Drew Arellano; at ang bagong I-witness host na si Atom Araullo.

Kabilang naman sa mga pinarangalang Female Makabata Stars sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes; Phenomenal Star Maine Mendoza; multi-awarded broadcast journalist Kara David; at veteran TV and movie actress na si Gloria Romero.

Read more...