Ariel sobrang sama, epektib na kontrabida sa ‘Hanggang Saan’


GRABE! Ngayon lang namin napanood si Ariel Rivera bilang kontrabida dahil halos lahat ng karakter na ginampanan niya sa telebisyon at pelikula ay parating pa-good boy.

Kaya nakakapanibago na ang sama-sama ng karakter ni Ariel bilang si Jacob sa seryeng Hanggang Saan na ikalawang asawa ni Teresa Loyzaga (Jean Lamoste-Montecillo) at stepdad naman ni Sue Ramirez (Anna).

Si Ariel pala ang dahilan kung bakit lumubog ang Educare business ni Eric Quizon (Edward Lamoste) kaya mas ginusto na lang nitong magpakamatay at ginamit nga si Sylvia Sanchez (Sonya) para barilin siya.

Bestfriends sina Ariel at Eric, pero may ibang hangad pala ang una bagay na hindi alam ni Teresa.

At kaya galit na galit si Ariel sa pamilya ni Sylvia at sa mga anak nitong sina Arjo Atayde (Paco) at Yves Flores (Domeng) ay dahil nga kasama sila sa biktima ng nagsarang Educare at pakiramdam ng una ay may pinaplano si Sonya kaya nakikipagkaibigan siya kay Teresa.

In fairness, mahusay na kontrabida si Ariel, lalo na sa eksenang nagsasagutan sila ni Paco at hamunin siyang ilabas muna ang CCTV bago ipakulong ang kapatid niyang si Domeng matapos pagbintangang nagnakaw ng wallet ng isa sa bisita nila na kagagawan pala ng staff niyang si Jenny Miller (Katrina).

Kaya pala sabi ni Ariel sa nakaraang presscon ng Hanggang Saan dapat abangan ng mga tao ang karakter niya dahil, “Kakaiba ito sa mga ginagawa ko dati. For a change naman.”

Read more...