Naghahanap ng girlfriend ngayong pasko

Sulat mula kay Carl ng Santa Isabel,  Kawit, Cavite
Dear Sir Greenfield,
Malapit na pong mag-pasko at sa edad ko pong 29 years old na sa ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-girlfriend. Marami naman akong nililigawan pero laging busted. Kaya sa ngayon medyo nalulungkot po ako kasi yong mga kasabayan ko, yon iba ay nakapag-asawa na at may mga anak na samantalang ako ni girlfriend ay wala. At sa totoo lang po sa aming magkakabarkada ako lang ang walang girlfriend. Kaya nais ko po sanang malaman kung kailan kaya ako magkaka-girlfriend at kung aabot pa kaya ito sa darating na pasko? October 25, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Carl ng Cavite
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at mahabang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa sandaling nagka-girlfriend ka sa edad mong 29 sa kasalukuyan, sigurado na ang magaganap – siya na ang iyong makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Three of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang naglalarawan ng “isang masayang lalaki” (ikaw yon) dahil sa pagdating ng isang mabait na babae (siya naman ang iyong magiging girlfriend), na mangyayari sa panahon ng tag-araw sa buwan ng Marso sa susunod na taong 2018.
Itutuloy…

Read more...