ISANG ka-Chismacker naman namin na nagpo-produce at nagbu-book ng mga shows ang nagchika ng pagiging “too demanding” ng not so popular TV host-celebrity sa isang event recently.
“She is just a replacement dahil biglang nagkasakit yung original naming nakuha. Siya rin ang ipinalit ni ____ (orig na host-actress) dahil friends naman sila at magkasama sa isang network,” simula ng source namin.
Pero para naman daw nasobrahan ang pagiging demanding ni replacement host na kahit ang pagbubukas ng pinto ay iuutos pa?
Una raw ay nag-demand ito ng sariling sasakyan na naunawaan naman ng organizer dahil sa tindi ng traffic ay baka masira ang iskedyul ng lahat. Ikalawa, nag-demand din ito ng sarili niyang make-up artist dahil may allergy daw siya sa make-up.
Third, ayaw daw nitong mag-rehearse with the other artists dahil sanay na raw siyang mag-host. Bukod pa yan sa request niyang “colored paper” kung saan isusulat ang kanyang spiels kahit pa may teleprompter na sa harapan niya.
At ang pinakamatindi, ayaw daw niyang makipagkamay at bumeso sa mga awardees ng event kahit daw nakakasama na niya ang mga ito sa network na pinagtatrabahuan nila.
Sey ng aming ka-Chismacker, “It was an awarding event ng mga who’s who in the industry. May mga sponsors na mabibigat at celebrities na di hamak na mas sikat sa kanya.
“Normal sa mga nabibigyan ng award at mga umaakyat sa stage ang either kumamay o makipagbeso. She’s too much at wala siyang karapatang mag-ala-virgin diva noh!”
Napa-ouch na lang kami nang wagas! Ha-hahaha!