Porno di raw masama sa kelot

BAKA nabasa na ninyo sa mga pahayagan ang ulat hinggil sa pananaliksik ni Associate Prof. Simon Louis Lajeunesse, ng Montreal University, sa masamamg dulot ng panonood ng porno ng mga lalaki.
Ang ulat ay mula sa Agence France-Presse.
Ayon kay Lajeunesse, lahat ng mga lalaki ay nanonood ng pornographic videos pero wala itong epekto sa kanilang sexual habits o pakikipagrelasyon sa mga babae.  Kinontra rin ni Lajeunesse ang paniwala na ginagawa ng mga lalaki kung ano ang napanood nila.
“It would be like saying that vodka ads lead to alcoholism,” ani Lajeunesse, sociologist.  Aniya, ang panonood ng X-rated movies ay para matugunan ang  “fringe fantasy” ng mga lalaki.
May opinyon ka ba hinggil dito?
Pero, para sa amin, di angkop ito sa Pinas (dahil di naman nakarating ang kanyang pananaliksik dito, lalo na sa lugar ng mahihirap at iskwater, na tila mas marami ang DVD sa mahihirap).
Iba ang mga manonood na Pinoy.  Hindi batayan ang edukasyon para tawaging responsible viewer ang Pinoy (di ba Dr. Kho?).  Hindi rin responsable ang mga ama na bumibili ng bastos na DVD dahil napapanood din ng kanilang mga anak na menor de edad ang mga ito.
Tingnan na lamang ninyo ang video files ng cell phones ng mga kabataan.
Hinggil sa paghahambing sa vodka ads, na ang nakakapanood ng mga ito ay hindi naman nagiging lasenggo, iba ang Pinoy.  Kahit walang ads ay marami at dumarami pa ang mga lasenggo.
Ibahin mo ang Pinoy.

LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 120409

Read more...