Inaprubahan ng Ormoc Sangguniang Panglungsod Resolution No. 354 na nagdedeklara ng state of calamity sa buong lungsod bunsod ng flashflood at landslide, ayon kay Mayor Richard Gomez sa kanyang post sa Facebook.
Pinirmahan ang resolusyon matapos ang isinagawang special session noong Sabado, batay na rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council.
Noong Biyernes, isinailalim na ang Tacloban sa state of calamity bunsod ng flooding at landslide dulot ng bagyong Urduja.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10121, maaaring gamitin ng lokal na pamahalaan ang limang porsiyento ng budget nito para sa kalamidad.
MOST READ
LATEST STORIES