Female star malalim ang hugot sa kapamilyang aktres; imposibleng magkabati ngayong Pasko

MALAPIT na ang Pasko, pinaniniwalaang takdang araw ng pagmamahalan at pagpapatawaran pero mukhang walang silbi ‘yun sa dalawang babaeng personalidad na matagal nang hindi nagkakaunawaan, mukhang dadaan ang Pasko at Bagong Taon na hindi pa rin sila nagkakasundo.

Marami nang nag-alok na magtulay sa kanila, lalo na ang mga beteranong artistang nakasubaybay sa kanilang pamilya, pero wala pa ring nangyari.

Kuwento ng aming source, “Masyadong malalim ang hugot ng anak, mukhang naipon ang lahat ng mga sama ng loob niya, kaya ganito kalalim ang lahat para sa kanya. Imagine, mga tao nang hindi niya matatanggihan ang umaayos sa problema nilang mag-ina, pero wala pa ring nangyari!

“Ang lagi niyang sinasabi, e, mas maganda raw kung mangyayari ‘yun nang kusa, ‘yung walang namamagitan sa kanila, ‘yung silang dalawa talaga ang magkikita nang hindi sinasadya,” simulang pahayag ng aming impormante.

Bata pa lang ang female personality na ito ay marami na siyang nakita, marami na siyang gustong itama, pero sino nga ba naman siya para manghimasok sa personal na buhay ng kanyang mommy?

“Malalim talaga ang pinanggagalingan niya, ang dami-dami na kasing nangyari, napakarami na niyang dinadala sa dibdib niya. Pero ang pinakamatindi nga, e, ‘yung mga huling pangyayari.

“Hindi lang siya, silang magkakapatid na ang nakiusap at nakipag-usap sa mommy nila tungkol sa isang taong hindi nila matanggap at makasundo, pero mas pinili ‘yun ng mommy nila.

“So, ano pa nga naman ang magagawa nila, e, personal life ‘yun ng nanay nila, di ba? Naaawa man sila sa sitwasyon ng mommy nila, e, ano ang magagawa nila kung ganyan na mismong ang nanay na nga nila, e, hindi naman naaawa sa sarili niya?

“Kaya hindi sapat na reason ang Christmas para matapos na ang problema ng family nila. Mas maganda nang hintayin na lang nila ang tamang pagkakataon, baka sakaling magkaroon pa ng himala,” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa ba ang clue? Bigay na bigay na kung sinu-sino sila!

Read more...