Paul umamin: mas epektib daw na tatay kesa mister

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

MAAYOS at going strong pa rin ang relasyon nina Paul Soriano at Toni Gonzaga bilang mag-asawa. Ito ang siniguro ng direktor sa lahat ng fans ng kanyang misis.

Ayon kay Paul secured sila sa isa’t isa ni Toni, hindi na lang daw nila pinapansin ang mga tsismis tungkol sa kanilang married life dahil alam naman daw nila kung ano ang totoo.

Ito’y sa gitna na rin ng pagkaka-link ni Paul kay Erich Gonzales. Ang mister ni Toni ang direktor ng pelikulang “Siargao” na pinagbibidahan ni Erich kasama si Jericho Rosales na isa sa mga official entry sa darating na MMFF.

Sa nakaraang panayam ng Tonight With Boy Abunda kay direk Paul dinenay nito ang tsismis na on the rocks ang pagsasama nila ng kanyang asawa, “It is there, even the way I feel about Toni is very secure, the trust is there. It’s never been broken.

“We know each other well enough to feel anything out. If there is anything we try to do a lot is we communicate. We talk, we text and all that. We try to, like, when Seve (panganay nilang anak) is sleeping. We try to talk. Most of it happens in the bathroom, just like talking there…our little quiet space. We catch up on her work and on my work,” paliwanag ng direktor.

Inamin ni Paul na kadalasan ay siya ang unang gumagawa ng paraan para makapag-usap sila ng TV host-actress tungkol sa mga bagay-bagay, “Si Celestine is more of the quiet type, but I know when something’s wrong.

“I know when something’s bothering her, so I just have to say, ‘What’s up?’ And then, she’ll tell me, ‘Nothing.’ So, I have to wait, timpla,” aniya pa.

Feeling din ng direktor, mas effective raw siyang tatay kesa sa mister, “Cause it comes naturally. I think (as a) husband, I have to work at it.

“My dad and my mom say this, the marriage will always and forever be a work in progress. Of course, I’m not gonna be the perfect father, but for me, I want to be that perfect father. I know I’ll fail, but I want to. Natural, e. Parang to be a father is natural,” paliwanag pa ni direk.

Read more...