Minimum na sweldo sa mga kasambahay sa Western Visayas ipatupad

NARARAPAT lamang na ibigay ang minimum na sahod na itinatakda ng batas para sa mga kasambahay sa Western Visayas

Sa bagong wage order, inaatasan ang mga employer sa Region 6 ( Western Visayas) na ibigay ang minimum na sahod na P3,500 kada buwan sa kanilang kasambahay

Itinatakda ng Regional Wages and Profuctivity Board sa Western Visayas ang bagong minimum na sahod para sa mga kasambahay na nagkabisa nito lamang Disyembre 8 ng taong kasalukuyan

Ang wage order no. RBVI-DW 02, na pinamagatang Prescribing New Minimum Wage Rates for Domestic Workers in Region VI- Western Visayas ay nagtatakda ng isang kabayaran na P3,500 kada buwan para sa lahat ng kasambahay na nagtatrabaho sa probinsiya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental

Ito na ang pangalawang Wage order na inisyu ng board para sa mga kasambahay sa Western Visayas

Hindi sakop ng naunang Wage Order no.RBVI-DW 01, na nagkabisa noong Pebrero 18,2017 ang probinsiya ng Negros Occidential dahil ito ay dating bahagi ng Negros island Region sa bisa ng Executive Order (EO) No. 183, Series of 2015 na nilagdaan ni dating Presidente Aquino

Sa EO No. 38 series of 2017 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 9,2017, na nagpapawalang bisa sa EO 183 na nagtatatag ng Negros Island Region sakop na ng bagong Wage Order ang Negros Labor Communications Office.

Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

 

Read more...