Walang susuko: AlDub Nation muling susugod sa Broadway para mag-rally

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

PATULOY pa rin ang pagsigaw ng AlDub Nation ng “walang iwanan” patungkol sa napipintong paghihiwalay ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza.

Isinaalang-alang din nila ang damdamin ng senior citizens na patuloy na nagmamahal sa AlDub loveteam.

Hindi pa rin nila matanggap ang kumakalat na plano ng GMA na ipareha si Alden sa ibang artistang babae bukod kay Maine. Eh, ayon naman sa pahayag ng APT Entertainment boss na si Tony Tuviera, tuloy pa rin next year ang AlDub movie.

Upang muling iparating ang kanilang sentimyento, sama ng loob at galit, nagbanta na naman sila ng rally ngayong araw na ito sa Broadway Centrum kung saan ginaganap ang live episode ng Eat Bulaga.

Sarado kasi ang isipan ng iba na gaya ng ibang loveteams, dumarating ang panahong ipinapareha sa ibang artista ang mga idolo nila. Nangyari na ‘yan sa loveteam nina Guy and Pip, Sharon Cuneta at Gabby Concepcion at iba pa.

Masakit pero kailangan nilang tanggapin ang katotohanan na kailangang mag-grow ang kanilang mga idolo upang magtagal sila sa industriya, huh!

Read more...