TAKANG-TAKA ang marami kung bakit kahit kausapin mo sa Tagalog ang isang hunk actor ay Ingles pa rin siya nang Ingles. Kahit nangingiwi na ang kanyang panga at nagkakan-dabulol siya ay sige-sige pa rin sa paglilitanya sa English ang male personality.
May mga nakarelasyon siyang Inglisera, totoo ‘yun, pero napakatagal na panahon na silang hiwalay, dapat ay tapos na ang impluwensiya sa kanya ng mga babaeng ‘yun.
Kuwento ng isang source, “Malapit na ngang mapuruhan ‘yun sa isang director nu’ng minsan, e. Nagtatanong kasi siya kung anong atake ang gagawin niya sa isang mahirap na eksena.
“Siyempre, ang director ang nilapitan niya para magtanong. Gusto raw kasi niyang masigurado na kung ano ang nasa isip niya, e, ‘yun din ang ata-keng gusto ni direk.
“Tanong siya nang tanong, nakakunot-noo lang si direk, hindi kasi siya malinaw magsalita. Ingles siya nang Ingles, ang matalinong direktor pa ba naman ang pagyayabangan niya sa Inglisan?
“Sabi sa kanya ni direk, ‘Alam mo, talagang mahihirapan ka sa eksena dahil hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Mag-Tagalog ka, huwag kang magsalita in English, magkakaintindihan tayo!’
“Pahiya si hunk actor, barado siya kay direk, awang-awa sa kanya ang direktor dahil nag-aapuhap siya ng mga salita, hindi siya maka-express, limited lang kasi ang talent niya sa English language.
“Nu’ng magsalita na siya sa native tongue natin, ayun, naintindihan na siya ni direk, tinuruan na siya kung paanong atake ang gagawin niya sa eksena,” natatawang kuwento ng aming impormante.
Madalas siyang pagtawanan nang palihim ng mga katrabaho niya, pinagpipistahan din siya ng mga staff ng production, kasi nga ay walang habas siya kung magsalita ng Ingles.
“E, kuwento nga ng mga kaklase niya sa elementary at high school, bagsak ang grades niya sa English, di ba? Kaya siguro siya ganyan, may gusto siyang patunayan! Kaso, sumesemplang naman ang syntax at grammar niya, nakakaloka siya!” kuwento pa ng aming impormante.
Nadiyeta ba kayo sa clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Kilala n’yo siya, pramis, kaya go na!