SA mga hindi nakapanood nang live ng Just Love ABS-CBN Christmas Special na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Martes, ipalalabas ito ngayong gabi na siguradong ikatutuwa ng lahat ng Kapamilya viewers.
Halos lahat ng malala-king celebrities sa local showbiz industry ay present sa nasabing event.
Grabe ang supporters ng mga artista ng Kapamilya network dahil kanya-kanya silang pasabog ng electronic placard kabilang na ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Joshua Garcia at Julia Barretto, Mccoy de Leon at Elisse Joson, Liza Soberano at Enrique Gil, James Reid at Nadine Lustre, Elmo Magalona at Janella Salvador, Maymay Entrata at Edward Barber, Maris Racal at Inigo Pascual, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Kim Chiu at Xian Lim.
Hindi rin nagpatalo ang mga supporters nina Arjo Atayde, Shaina Magdayao, Coco Martin, Julia Montes at Yassi Pressman.
Pinakamaningning na placard nu’ng gabing ‘yun ay ang kay Kathryn, biro nga ng ilang nakausap namin baka raw may dalang generator ang KathNiel fans dahil sa dami ng ilaw na dala nila.
Pinalakpakan ang Christmas opening number nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Zsa Zsa Padilla, Jona, Kyla at Martin Nievera.
Sumunod naman ang production number nina Ylona Garcia, Loisa Andalio, Andrea Brillantes, Jed Madela, Darren Espanto, Inigo Pascual (may pinakamalakas na hiyawan), Richard Poon, Nyoy Volante, Boyband PH, Jake Zyrus, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Sarah Geronimo at Sharon Cuneta.
World-class performance naman ang ibinigay ng mga Kapamilya singer na produkto ng mga singing contest sa ABS-CBN, tulad nina Yeng Constantino, Erik Santos, Angeline Quinto, Froilan, Eumee, Noven Belleza, Mori, Daryl Ong, Jason Dy, Klarisse at Mitoy.
Pero hindi maikakaila na ang talagang tinilian with matching padyakan ng audience ay ang mga naguguwapuhang leading man ng ABS-CBN na kumanta ng Air Supply medley kabilang na sina Richard Gutierrez, Richard Yap, Jake Cuenca, Joem Bascon, Carlo Aquino, JC de Vera, Aaron Villaflor, RK Bagatsing, Ejay Falcon, Arjo Atayde, JC Santos, Vin Abrenica, Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, Daniel Matsunaga, Enchong Dee, Aljur Abrenica, Mccoy de Leon, Edward Barber, Ronnie Alonte, Enzo Pineda, Elmo Magalona, Diego Loyzaga, Gerald Anderson, Xian Lim, Sam Milby, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Joshua Garcia, Enrique Gil, James Reid, Daniel Padilla, Jericho Rosales at Piolo Pascual.
At akalain n’yo ba, lumebel din si Empoy sa mga pambatong leading man ng ABS-CBN dahil sa lakas ng sigawan nang lumabas na siya sa stage? Kinanta niya ang “Two Less Lonely People In The World”, ang theme song ng pelikula nila ni Alessandra de Rossi na “Kita-Kita” na siya ring may hawak ng record na pinakakumitang indie film ng taon.
Nagsilbing host ng event sina Boy Abunda, Jodi Sta. Maria at Iza Calzado.
Hindi naman nagpatalo ang cast ng “Ang Panday” tulad ni Awra Briguela, Mclisse, Mariel de Leon, Kylie
Versoza at Coco Martin kasama ang child star na si Ricky Boy.
Grabe rin ang supporters ng Ang Probinsyano lead star, pagbuka pa lang ng bibig ni Coco para kumanta ay talagang dumadagundong na ang Big Dome.
Nag-showdown naman sa pagsasayaw sina Kim at Maja. Finale naman sa mga Kapamilya leading ladies na nag-perform sina Kathryn at Liza, ibig sabihin sila talaga ang itinuturing na pinakasikat na young actress ngayon.
Napuno naman ng tawanan ang Araneta Coliseum nang lumabas na si Vice Ganda. Si Vice ang isa sa pinakamalaking artista ng ABS-CBN at Star Cinema. Parehong rater ang kanyang It’s Showtime at Gandang Gabi Vice.
Hindi rin nagpakabog sa kanilang “Ice Ice Baby” number sina Billy Crawford at Vhong Navarro. Si Anne Curtis ang huling tinawag mula sa pamilya ng Showtime. Bigay na bigay siyempre ang aktres sa matataas na nota ng kanyang kanta kaya naman talagang tawanan at palakpakan ang audience.