Pahadang male star, naging bading na rin


Anong meron? Tingnan n’yo nga naman, kapitbahay pa pala namin ang nagtatrabaho sa isang kompanya na ang boss ay karelasyon daw ng isang mestisong aktor.

Sa kawalan kasi ng maisusuot na blazer para sa pupuntahan niyang Christmas company party ay sa amin siya nanghiram. Buti na lang, magkasukat kami.

“Masquerade party ‘yon. Pasensiya na, Kuya Ron, medyo maarte kasi ‘yung boss ko na alam mo na. Baka nga kilala mo ‘yon, eh,” sabay bali ng kanyang siko with matching pilantik ng mga daliri sa kamay.
Puzzled, tinanong namin ang pangalan ng boss niya, “Huwag na, Kuya Ron, basta dyowa siya ng isang mestizo actor.”

Sa dinami-dami ng mga tisoy na aktor na dyowa ng beki, isn’t it like diving into the sea na punumpuno ng sari-saring isda? But we outsmarted our neighbor: no actor’s identity, no blazer!

When finally told, teka, ang gay boss mo ba ‘yung laging kasa-kasama ng actor sa mga biyahe abroad? Hindi raw. So, bago na (pala) ito.

“Naku, gawain naman ‘yun nu’ng aktor kahit nu’ng nakatira pa siya sa (isang bayan sa Rizal Province). Pahada na siya noon pa, kaya hayun, naging bading na rin!” sey pa ng aming neighbor

Clue: read this BI from the top, tiyak magegets n’yo kung sino ang aktor na baka pa-bottom na rin.

q q q

Brace yourselves sa isa na namang kapana-panabik na episode ng Celebrity Bluff tonight. Just look at the lineup of tonight’s players: Matt Nieto and Thirdy Ravena, Jason Francisco and Gerald Napoles at ang real-life sweethearts Paolo Contis and LJ Reyes.

Magsisilbi pa ring mga bluffers sina Edu Manzano, Isko Salvador a.k.a. Brod Pete at Donita Nose.

Parang odd pair out lang ang dating sa amin nina Paolo at LJ, while Jason’s presence is a welcome sight sa bago niyang tahanan, ang GMA. Samantala, hardcourt aficionados will sure swoon over Thirdy.

Kung alin among the three competing pairs will be richer by half a million pesos ay dapat abangan lalo’t it’s Christmas time. Celebrity Bluff is hosted by Eugene Domingo.

Read more...