FROM A to Z, we can only pick the most appropriate nouns following “the” bilang reaksiyon sa isang Fil-Am basher ni Kris Aquino who earlier posted on her social media account that we Filipinos owe it to her assassinated dad kung bakit muling naibalik sa atin ang inagaw sating kalayaan.
“The”: Audacity, Balls, Chutzpah, Gall, Nerve, Temerity, etcetera.
Dissenting political opinions set aside, tama naman si Kris, utang natin kay Ninoy Aquino ang tinatamasa nating freedom which had been curtailed noong rehimeng Marcos.
“The Filipino is worth dying for,” ang pamosong linya ng dating Senador who dauntlessly fought Marcos. Kahit alam niya na sa kanyang pagbabalik on the ominous day (Aug. 21, 1983) ay tiyak na masasawi siya, sumige pa rin siya.
Totoo namang kung hindi dahil kay Ninoy who served as a catalyst, baka hanggang ngayon ay nananatili pa rin tayo sa Dark Ages.
Napaka-un-Filipino naman ng OFW na ‘yon, isang guwapo pa manding doctor. Kunsabagay, the mere fact that he has embraced American citizenship ay sapat nang paliwanag for his stance.
Obvious bang his “sense of history” needs a cure?