SUV bumangga sa railings sa Skyway, nagdulot ng trapik

BUMANGGA ang isang Mitsubishi Adventure sa railings ng Skyway malapit sa Bicutan Exit sa Parañaque City kaninang umaga, dahilan para magdulot ng napakabigat trapik sa lugar.
Sinabi ng Highway Patrol Group-Bicutan na nangyari ang aksidente ganap na alas-9 ng umaga sa southbound lane ng pataas na bahagi ng highway.

Agad namang inalis ang sasakya sa lugar.
Wala namang nasaktan sa pangyayari, bagamat magbabayad ang driver sa nasirang railings.

 

 

Read more...