Bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey na isinagawa noong Setyembre, naitala sa 18.9 porsyento ang mga walang trabaho, mas mababa sa 22.2 porsyento na naitala sa survey noong Hunyo.
Sa 18.9 porsyento, 10 porsyento ang boluntaryong umalis sa trabaho, apat na porsyento ang hindi na-renew ang kontrata, dalawang porsyento ang hindi pa nararanasang magtrabaho, dalawang porsyento ang naalis sa trabaho at isang porsyento ang nagsara ang pinapasukan.
Bumaba naman ang mga umaasa na darami ang mapapasukang trabaho sa susunod na taon. Mula sa 31 porsyentong net ay bumaba ito sa 28 porsyento.
Naniniwala ang 45 porsyento na darami ang mapapasukang trabaho sa susunod na 12 taon, 27 porsyento ang naniniwala na walang magbabago at 18 porsyento ang mababawasan ang mapapasukang trabaho. Hindi naman alam ng 10 porsyento kung madaragdagan ang mapapasukan o hindi.
Ginawa ang survey mula Setyembre 23 hanggang 27. Kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents.
MOST READ
LATEST STORIES