Rocco may ‘sikreto’ sa loob ng bonggang sasakyan

ROCCO NACINO

MULA nang mabalita na nagtapos bilang cum laude ang Haplos leading man na si Rocco Nacino, marami na ang nagtatanong kung paano nga ba niya napagsabay ang pag-aaral, pag-aartista at ang pagiging businessman.

Bukod pa rito ang walang tigil niyang pagpunta sa gym para ma-maintain ang kanyang hunky body.

Kitang-kita kasi sa pagrampa niya sa isang underwear fashion show na ginanap kamakailan na marami talaga siyang time para mag-workout. Certified lodi si Rocco dahil kaya niyang balansehin ang kanyang oras.

At isa nga sa mga naipakita niyang tip ay ang paglalagay niya ng mga every day essentials sa kanyang sasakyan.

Customized ang kotse ng Kapuso hunk at lagi niya itong dinadala kapag may taping.

Sa loob ng kanyang bonggang car ay meron pwedeng gawing kama, meron ding TV, at ilang mga workout equipment.

Laking tulong sa mga artista ang ganitong klase ng sasakyan dahil nandoon na ang lahat ng kailangan nila sa araw-araw, hindi na nila kailangan pang umuwi para lang kumuha ng gamit.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pagdadrama ni Rocco sa GMA Afternoon Prime na Haplos opposite Sanya Lopez. Dito naman naipapakita nina Rocco at Sanya ang kanilang versatility bilang mga drama actor.

Ayon nga kay Rocco, every taping daw nila ay looking forward sila ni Sanya sa mga gagawin nilang eksena dahil kahit sila ay nae-excite sa mga susunod na mangyayari sa kanilang mga karakter na sina Angela at Gerald.

“Marami pang magaganap na dapat abangan ang mga manonood. Kumbaga, ngayon pa lang talagang umiinit ang istorya ng Haplos. This coming week, marami uling bagong twist, tutukan nila kung ano na ang mangyayari kay Lucille (Thea Tolentino) at kung paano uli lalaban si Angela,” kuwento ni Rocco.

Huwag n’yo rin daw palalagpasin ang pasabog ni Sanya sa mga susunod na episode ng Haplos na talagang ikawiwindang daw ng mga manonood. Kabilang na riyan ang mas matitinding labanan ng kapangyarihan nina Lucille at Angela.

Kasama pa rin si Haplos sina Celia Rodriguez, Pancho Magno, Emilio Garcia, Patricia Javier, Maria Isabel Lopez, Francine Prieto at marami pang iba, sa direksyon ni Gil Tejada, Jr..

Read more...