Jhong nasisira ang imahe bilang politiko dahil kay Vice?


MARAMI ang nagsasabing nalalagay sa alanganin ang imahe ni Jhong Hilario bilang isang public servant sa Makati dahil lagi itong ginagawa laughing stock ni Vice Ganda sa Showtime.

Pero kung kami ang tatanungin, dahil sa dulot na saya na naibibigay nina Vice at Jhong sa mga manonood, mas umaangat pa ang popularidad ng magaling na aktor.

Isa na ring blogger ang dancer-TV host at marami siyang followers sa mga nakakatuwang posts niya na karamihan ay mga kalokohan nila sa noontime show.

Laging nagagamit na subject ang hitsura at role ni Jhong sa show na parang one of those lang, pero sa lakas ng impact na hatid ng okrayan nila ni Vice, lumalabas na bidang-bida ang konsehal ng Makati, thus, giving him the better exposure.

Read more...