Kasal na lang ang kulang sa relasyon nina Matteo at Sarah


PURING-PURI si Sarah Geronimo nang um-attend siya sa birthday party ng younger brother ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

Matteo posted photos of the party with this caption: “Happy happy birthday to my brother, Paolo!! 11 years old already!! Stay brave and grow up to become a responsible, passionate young man! Always proud of you. We love you bro!”

Napansin ng maraming fans na at home na at home si Sarah sa piling ng pamilya ni Matteo.

Kapamilyang-kapamilya na ang turing sa kanya kaya naman present siya sa mga special occasions.

“Simple lang talaga si Sarah and I like that. Hindi katulad ng ibang artista na eksenadora masyado,” papuri ng isang fan kay Sarah.

Meron namang na-notice kung paano mag-celebrate ng birthday ang mga mayayaman as one said, “Iba talaga pag mayaman nuh? D pinapakita pagkain kasabay ng pag ihip ng candle ng cake. Char!”

“Yung mga tunay na alta low profile talaga. They’re not show-offs,” said one guy.

Actually, maraming fans ang talagang nagwi-wish na magkatuluyan na sina Sarah at Matteo. They so deserve each other kasi.

Ang maganda pa sa kanila, walang intriga ang kanilang relasyon dahil hindi sila pa-high-profile bilang couple. Umaasa nga ang fans nila na sa altar mapupunta ang kanilang ilang taon na ring relasyon.

Read more...