‘Ang Larawan’, ‘DW’ parehong nakakuha ng Grade A sa CEB

NAKAKUHA rin ng Grade A ang MMFF entry nina Paulo Avelino, Rachel Alejandro at Joanna Ampil na “Ang Larawan” mula sa CEB. Pero ang kakaiba sa grade na nakuha, unanimous ang desisyon ng members ng CEB ayon sa isa sa producers na si Girlie Rodis.

Unti-unti na ngang pumapasok sa kamalayan ng tao ang historical-musical-drama. Ayon sa isang booker, kung nu’ng unang announcement ng pagpili rito eh nasa 8th place ang rank based on feedbacks, ngayon ay pumapalo na ito sa number 5 and 6.

Hinuhusgahan man ng ilan na mangungulelat sa filmfest, may nagsasabing kapag humakot ito ng awards sa Gabi ng Parangal eh, raratsada na ito sa takilya. Sa totoo lang, iisa ang komento ng mga nakapanood ng “Ang Larawan” – walang antok factor ang movie, huh!

Saka pang-best actress din ang acting ni Joanna Ampil, huh!

Read more...