Baguhang aktor nilayasan na ng talent manager dahil kay mommy

ARA MINA AT KEVIN POBLACION

KUNG dadaanin namin sa blind item ang paksang ito, it would only be migraine-causing for the readers. But our worry is that even if we name the subject ay baka BI rin ang dating nito.

Left with the same effect, papangalanan na lang din namin ang mga tauhan sa kuwento. Obscure as the name sounds, baka natitisod na rin ng mga mambabasa ang pangalang Kevin Poblacion.

A virtual newbie, laking-Canada si Kevin born to parents na may-kaya they actually produced a drug-themed movie for their son. ‘Yun nga lang, despite the publicity (ingay) ay wala pa itong playdate, and why?

Ito ‘yung pelikulang “Adik” na idinirihe ni Neal “Buboy” Tan kung saan karamihan kundi man lahat ng mga tagpo’y kinunan sa Iloilo, ang home province ng pamilya Poblacion.

Ang nasirang si Kuya Boy Palma ang dating namamahala sa career ni Kevin, pero nang mawala’y ipinaubaya sa kaibigang si Eddie Littlefield.

Maayos sa simula ang kanilang manager-talent relationship. Personally, kabisado namin ang karakas ni Eddie, magkakasira kayo sa lahat ng bagay maliban sa usaping pera. That’s how straight-laced and fair Eddie is even with his professional dealings.

Too bad Eddie hadn’t found a showbiz parent who’s patient and persevering lalo’t baguhan pa lang ang anak. Dinig kasi nami’y mahirap kausap ang ina ni Kevin bukod sa pagiging mainipin.

Kevin’s mom is the type who prays for a miracle she wants to happen in an instant. Nababagalan siya sa pag-usad ng career ni Kevin.

Ihinalimbawa namin ang kaso ng mga artistang bago narating ang kanilang puwesto ngayon had invested in torrents: panahon, pakikisama, pera. Marami pang pinagdaanang kabiguan before success had finally beckoned on them.

Kalabisan nang banggitin si Robin Padilla who had to wait for 11 long years bago lumanding sa kanyang mga palad ang tagumpay. Padilla na siyang maiuturing, may kunek na sa showbiz ang pinagmulang angkan, matindi pa ang humahawak sa kanyang career na si Dikong Deo Fajardo, still, Robin had to climb his way up.

Dahil sa gustong mangyari ng ina ni Kevin—na imposibleng mamunga agad ang butong itinanim sa lupa—Eddie had to put his foot down. Oo nga naman, malayo kahit sa pandinig ang salitang “manager” sa “magician.”

q q q

Walang kapangyarihan si Eddie na magprodyus ng kuneho mula sa sumbrerong itim, o ng mga pinagdugtung-dugtong na pulang panyo. Eh, ‘di bumitiw na nga si Eddie? Hulaan n’yo kung ano’ng sumunod na ginawa ng mudra ni Kevin.

Dis-oras ng gabi ay tumawag daw ito kay direk Buboy Tan, hindi para sa binabalak nitong follow-up movie na ipoprodyus, kundi para hilinging i-manage ng direktor ang kanyang anak.Sagot ni direk Buboy, “Direktor ako, hindi ako manager.”

Tama lang na sinabihan ng ganu’n si Ginang Poblacion. May kanya-tayong trabahong hindi dapat sumasapaw sa gawain ng iba maliban na lang kung ikaw si Jack of all trades (master of none).

May hitsura kung sa may hitsura ang anak niya, kahit ang dinig pa nami’y nakadalawang nose job na ito (na huwag naman sanang maging Xander Ford ang peg).

Matututunan din ni Kevin ang pagsasalita nang matatas na Tagalog. Higit pang malilinang ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

Pero unahin muna ni Mrs. Poblacion na hanapan ng playdate ang kauna-unahang (sana, hindi last) pagtatangka ng kanyang anak sa pelikula, ang “Adik.”

Baka ang ending niyan, nalipol na ang lahat ng mga adik, nasugpo na rin ang droga sa bansa pero ang perang ipinuhunan ng mga magulang ni Kevin ay nakahapay sa tema ng “Adik.”

Bato.

Read more...