Nakilala ang mga biktima na sina Ruby Gamos, 34, at kanyang anak na babae na si Shaniah Nicole.
Nasa abroad ang mister ng biktima, na isang seaman. Dumating siya sa bansa kahapon ng umaga,
Sinabi ni Supt. Sandro Tafalla, General Trias police chief, na iniimbestigahan na nila ang kaso na ang una nilang teorya ay pagnanakaw.
Idinagdag ni Tafalla na unang iniulat ang pangyayari sa pulisya noong Lunes ng hapon matapos madiskubre ng hipag ni Gamos, na si Karen Bongalos, ang mga bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay sa Kensington subdivision sa Barangay Navarro.
Ayon kay Tafalla, humingi ng tulong si Bongalos sa mga guwardiya ng subdivision para makapasok sa bahay matapos na hindi makontak sina Gamos at Shaniah simula Disyembre 8.
“The victims could have been dead from three to four days,” sabi ni Tafalla.
Sinabi ni Tafalla na nawawala ang mga ari-arian ng mga biktima, kasama na ang cell phone, mga alahas, kotse nila na isang Toyota Wigo.
Ani Tafalla wala ring palatandaan na pinilit pasukin ang bahay.
Wala ring sugat ang mga biktima, na nangangahulugang sila ay pinatay sa sakal, ayon pa kay Tafalla.