Anak nina Vic at Pauleen bininyagan na; Alden, Ruby kinuhang ninong at ninang

VIC SOTTO, PAULEEN LUNA AT BABY TALITHA MARIA

BININYAGAN na ang panganay na anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna last Sunday na dinaluhan siyempre ng kanilang respective families and friends.

Sa St. James Parish Church sa Alabang bininyagan si Baby Talitha Maria Sotto, kung saan din ikinasal sina Bossing at Poleng.

Ang nag-officiate naman nito ay si Father Jeffrey Quintela, na siya ring nagkasal kina Vic at Pauleen at nag-bless ng kanilang mansion sa Laguna.

Bukod sa ninang ni Baby Tali na si Ruby Rodriguez, present din sa napakahalagang araw na iyon ang anak ni Bossing na si Paulina with husband Jed Llanes, Oyo kasama ang misis na si Kristine Hermosa plus their children Kiel, Dre, Caleb and Vin.

Tuwang-tuwa naman ang mga bisita sa binyagan nang tawagin ng mga apo ni Bossing ang anak nila ni Pauleen ng “Tita Tali.”

Ilan pa sa mga nakisaya sa binyag ng panganay nina Bossing at Poleng ay sina Sen. Tito Sotto with wife Helen Gamboa, ang mga parents ni Poleng na sina Mommy Chat at Daddy Gene at Bibeth Orteza na isa rin sa mga ninang.

Kinuha ring ninong nina Pauleen ang Pambansang Bae na si Alden Richards pero hindi ito nakarating dahil sumabay sa live episode ng Sunday PinaSaya.

Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Pauleen ang lahat ng nakibahagi sa binyag ni Baby Tali.

“Thank you to her ninongs and ninangs for accepting. We are confident that with you around to guide her, she will grow to be a good girl.

“Thank you also to our immediate family for joining us today! And as always, thank you Father Jeff for blessing our little girl.”

Read more...