Trip-trip lang: Kris idinaan sa pa-survey ang lovelife…binalikan ang relasyon sa mga ex

BIMBY AT KRIS AQUINO

NAKAKAALIW si Kris Aquino. Pati sitwasyon ng kanyang lovelife ay idinadaan niya sa survey. Isinasali niya ang mga netizens sa kanyang bagong trip na kung may gusto raw siyang makita uling ex niya ay sino ba ang gusto ng kanyang mga tagasuporta?

Natural, kung may mga naaaliw kay Kris ay mas maraming nainis sa kanya, kung anu-ano na namang kanegahang salita ang ipinukol laban sa aktres-TV host, may mga nagsabi pang gumagawa lang siya uli ng gimmick para siya mapag-usapan, kasi nga ay wala siyang show.

Sabi ng isang basher ni Kris, “Ayan na naman si girl, nagpapapansin na naman, palibhasa, e, two years na siyang walang show. Ano ba ang pakialam ng ibang tao kung sino ang gusto niyang makita uling ex niya this Christmas?

“Kesehodang makipagkita siya sa lahat, e, ano naman ang keber du’n ng kahit sino? Di makipagkita siya sa sangkatutak niyang nakarelasyon? Bakit kailangan pa niyang magpa-survey, produkto ba ang sinasabi niya?

“‘Yan talagang Tetay na ‘yan, OA siya! Pati ba naman ang lovelife niya, e, kailangan pa niyang idaan sa survey? Magtigil na nga siya, hindi na bagay sa kanya ang magpabebe, matanda na siya!” madiing komento ng isang netizen kontra kay Kris.

Aray ko!

Read more...