P136M jackpot ng Ultra Lotto bukas

    Inaasahang aabot sa P136 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Martes ng gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa winning number combination na 45-53-22-24-47-05 sa bola noong Linggo.
    Umabot sa P131.5 milyon ang actual jackpot prize sa huling bola. Mula Setyembre 8 ay hindi pa tinatamaan ang jackpot prize kaya lumaki na ito.
    Samantala, tatlong mananaya naman ang nanalo ng tig-P280,000 matapos nilang makuha ang limang numero.
    Nanalo naman ng tig-P2,570 ang 381 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 10,192 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
    Huling tinamaan ang jackpot ng Ultra Lotto noong Setyembre 5. Pinaghatian ng dalawang mananaya ang P256.8 milyong jackpot prize.

Read more...