BIG deal para sa mga TV networks ang rating. Time was when figures bore no significance pero ilang taon na’y isang malaking isyu ito para sa mga istasyon outcompeting each other.
Nalulungkot kasi kami sa naitatalang pigura ng teleseryeng pinagsasamahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Ilang season din kasi kaming nag-PR para sa dati nilang show, ang Ismol Family, and we thought it was a good family-oriented TV series.
If the figures are accurate—laging tinatalo ang programa nila ng katapat na show. In our honest opinion, its title has a lot to do with its poor ratings vis a vis its rival show.
Kahit kasi paulit-ulit naming iusal ang Kambal Karibal, it lacks that “jolt factor” to make us want to even catch a glimpse of it.
May rhyme nga pero mahina ang dating ng pamagat. Maaaring mas maganda ang takbo ng kuwento nito compared to the vampires and wolves, still, malaking kunsiderasyon ang pagtititulo ng isang panoorin to lure the audience.
Maaaring personal ang aming pananaw, we’re simply drawn to this young loveteam and its potential to be on the list of the most widely followed partnerships on TV.
May panghihinayang factor lang kami kina Miguel at Bianca, na kailangan ng mas matinding materyal if at all ay gusto ng GMA na mag-pay off ang kanilang effort.
Ano nga ‘yung sey ng kaibigang Alex Brosas tungkol sa pamagat ng kanilang teleserye? Halaw raw ba ‘yon sa Kambal Pandesal?
Ayaw ni Wilson Lee Flores ng 78b year-old Kamuning Bakery na kilala sa pagbibigay ng kambal na pandesal!