Dawn, Bossing game na game sa halikan: Unang araw ng shooting, bed scene agad-agad!


ANG saya-saya ng pakiramdam ni Vic Sotto sa ginanap na presscon ng “Meant To Beh” dahil kasama na ang pelikula nila ni Dawn Zulueta sa 2017 Metro Manila Film Festival na mapapanood na simula Dis. 25.

Last year ay inamin ng TV host-actor na sumama ang loob niya sa hindi pagkapili sa pelikula nilang “Enteng Kabisote 10 and the Abangers” sa MMFF.

Sabi nga niya noon, “Ang Metro Manila Film Festival ay para sa mga bata.”

Sabi ni Bossing Vic siguradong level up na ang mapapanood nila sa “Meant To Beh”, “It’s a serious movie na nakakatawa. It’s a change for me, getting out of fantasy and going into reality, it’s a welcome change for me and I don’t regret it, kasi after watching the finished product, I’m very, very proud of it, maganda talaga.

“Mapi-feature din dito, bukod sa mga talent ng ating mga bagets dito, siyempre yung mga life lessons ng family, mga Filipino values na kapupulutan ng aral ng bawat pamilyang Pinoy,” aniya pa.

Ang “Meant To Beh” na idinirek ni Chris Martinez mula sa OctoArts Films, APT Entertainment at M-Zet Productions ay hindi ginamitan ng special effects.

Pagkatapos ng presscon ng “Meant To Beh” ay natanong si Vic at ang leading lady niyang si Dawn Zulueta kung may kissing scene din sila sa movie. Biro ni Dawn, “Ang dami! First shot pa lang, bed scene na.”

Susog naman ni Vic, “First shooting day pa lang, bed scene agad-agad.”

At dahil sa biruan ng dalawang lead stars ng “Meant To Beh” ay natanong si Vic kung may selos factor sa asawang si Pauleen Luna dahil nga sa mga intimate scenes nila ni Dawn.

“Si Pauleen, artista siya, so wala siyang dapat ipagselos, sanay na ‘yun. Wala na ‘yung mga selos-selos na ‘yan. I mean, she understands the ins and outs of the industry,” sagot ng actor-producer.

Read more...