Nasira na naman ang tren ng Metro Rail Transit ngayong hapon.
Napilitang maglakad sa riles ang mga alas-2:47 ng hapon sa pagitan ng Ortigas at Santolan stations.
Pinababa ang may 686 pasahero matapos na may mangamoy na nasusunog sa loob ng mga bagon. Ang tren ay pa-north bound.
Inalis ang tren sa riles upang kumpunihin.
Alas-3:13 naman, o makalipas ang 26 na minute, ay balik na sa normal ang operasyon ng MRT.
Kamakalawa ay dalawang beses na nabalam ang operasyon ng MRT. Alas-4:13 ng hapon ang una at nasundan ng alas-7:09 ng gabi.
Sinuspendi ng Department of Transportation and maintenance contract ng Busan Universal Rail Inc. dahil sa serye ng pagkasira ng mga tren ng MRT.
MOST READ
LATEST STORIES