Leyte nilindol

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.5 ang Leyte.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdman ang lindol alas-3:39 ng hapon. Ang sentro nito ay anim na kilometro sa silangan ng Albuera at may lalim na apat na kilometro.
Nagresulta ito sa Intensity IV na paggalaw sa Albuera, Burauen, Orfmic City, Dagami at Julita.
Intensity III naman sa Pastrana, Dulag at Tolosa. Intensity II naman sa Palo.
Walang inaasahang aftershock at pinsala ang Phivolcs sa pagyanig na ito.

Read more...