Kisses may teleserye na rin sa 2018; umaming mahirap ang walang ka-loveteam

 


MAGKAKAROON na rin ng teleserye sa pagpasok ng 2018 ang former PBB Lucky Season 7 housemate na si Kisses Delavin.

Isa siya sa mga Kapamilya stars na makakasama sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Playhouse starring Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo. Gaganap si Kisses bilang kapatid ni Zanjoe sa nasabing romcom series.

Unang in-offer kay Kisses ang bagong serye ni Piolo Pascual pero hindi nga ito natuloy kasabay ng paghihiwalay nila ni Marco Gallo bilang loveteam.

“So, inilipat ako sa isang soap and hindi ko alam na ito pala yun. So I feel really happy,” ang sey ni Kisses sa isang panayam matapos ang isinagawang look test para sa Playhouse.

Solo na ngayon si Kisses at mukhang imposible pa ngang pagsamahin uli sila ni Marco na nakasama rin niya noon sa loob ng Bahay ni Kuya.

“As a solo artist ngayon I feel like I’m more determined kasi mahirap pag solo ka ngayon eh, kasi limited ang projects mo kasi mostly, lahat ng projects naka-bundle kayo as love team. Pero I’m taking it as a challenge na kahit solo ang craft ko I can do so much better,” paliwanag ng dalaga.

Pero siyempre, patuloy pa ring nagdarasal ang KissMarc fans na darating din ang panahon na magkakaayos ang dalawa at magkakaroon uli ng project together.

Chika pa ni Kisses, “Ngayon para akong sponge na lahat ng nakakasama ko, I absorb learnings from them. Lagi akong nakikinig kina Kuya Z (Zanjoe) at kanila Ate Angge (Angelica). Very professional sila and ang dami kong natututunan.”

Read more...