#McLisseMovie2018 kasado na; fans nangakong susuporta

Grabe ang tuwa ng fans sa buong Twitterverse nang ibalita na magkakaroon ng ng pelikula ang isa sa mga top trending couple of 2017 na sina Mccoy de Leon at Elisse Joson.

The movie will be directed by JP Habac, ang director ng hugot film na I’m Drunk, I Love You.

In a tweet, pinakilala ni Direk JP sina Mccoy at Elisse bilang si Pol at Laya.

Siyempre, tuwang-tuwa ang kanilang naparaming fans and supporters.

Hindi naman halatang excited ang mga fans, umabot na kasi sa top trending ang hashtag na #McLisseMovie2018

Sa ngayon ay aabangan muna nila ang McLisse sa darating na Metro Manila Film Festival. Makakasama nila si Coco Martin sa reinvention ng Ang Panday.

Wala pang titulo ang movie na gagawin ng dalawa.

Read more...