Makapaga-abroad bang muli?

Sulat mula kay Rigor ng Banga, Meycauyan, Bulacan
Dear Sir Greenfield,
Dati po akong nag-seaman pero noong January ay bumaba na ako. Mag-iisang taon na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatawagan ng agency ko. Wala naman akong bad record sa kanila at tuwing magpa-follow up ako ng papeles ay sinasabing marami pa raw nakapila. Balak ko sanang lumipat ng ibang shipping agency. Tama ba ang naiisip kong ito kesa maghintay ako nang maghintay nang wala namang nangyayari? Tama ba na mag-apply na ako sa ibang agency? Sa palagay n’yo matutuloy kaya ako sa ikalawang paga-abroad kong ito at kung matutuloy, kailan kaya at magiging maganda kaya ang kalagayan ko sa barko? March 28, 1989 po ang birthday ko.
Umaasa,
Rigor ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa ang malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na siguradong sa ikalawang pagtatangkang makapag-abroad susuwertehin ka na, na nakatakdang mangyayari sa taong 2018 sa edad mong 29 pataas.
Cartomancy:
King of Diamonds, Eight of Hearts at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2018 makapag-aabroad ka, at tuloy-tuloy na ito hanggang humigit kumulang sa siyam (9) na taong singkad at ang nasabing mga pag-babarko ay tiyak na magiging masagana at napakaproduktibo.
Itutuloy

Read more...