MAM,
Good PM po mam Three days na po ako absent sa work, may chickenpox po kasi ako at na confine din po ako sa hospital ng 24 hours dahil po sa highblood. May makukuha po b ako sa SSS? Seven years na po ako sa work ko at almost 15 years na po SSS contribution ko.
Jeffrey Caranza, 33, Lasip Calasiao, Pangasinan
REPLY: Ito po ay bilang tugon sa inyong email ukol sa tanong ni G Jeffrey Caranza sa benepisyong maaari niyang makuha mula sa SSS.
Ayon kay G Caranza, siya ay hindi nakapasok sa trabaho ng tatlong araw dahil sa chickenpox at na-confine sa hospital ng 24 oras dahil sa high blood pressure.
Ayon sa batas ng SSS, ang isang miyembro ng SSS na nagkasakit ay maaaring makakuha ng benepisyo sa pagkakasakit kung:
Siya ay hindi nakapagtrabaho dahil sa pagkakasakit at na-confine sa ospital o sa bahay ng hindi bababa sa apat na araw;
Siya ay nakapagbayad ng hindi bababa sa tatlong buwang hulog sa loob ng 12 buwan bago ang semestre ng kanyang pagkakasakit;
Nagamit na niya ang lahat ng company sick leave with pay niya sa kasalukuyan; at
Na-notify niya ang kanyang employer o ang SSS kung siya ay nahiwalay sa trabaho, voluntary paying member o self employed member.
Kung sa tingin ni G Caranza ay matutugunan niya ang mga nakasaad na qualifying conditions sa itaas, pinapayuhan namin siyang mag-file sa pamamagitan ng kanyang employer sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS para sa sickness benefit.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni G. Caranza.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security Officer IV
Media Affairs
Department
Noted:
MA. LUISA
P. SEBASTIAN
Department Manager III
May Rose
DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
9247295/9206401 loc 5053
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.