Female celebrity maldita na, plastikada pa; pati matanda pinatikim ng katarayan

REYNA ng kaplastikan kung tawagin ng kanyang mga nakakatrabaho ang isang pamosong female personality. Meron na siyang sariling titulo pero ang pinakabagay raw sa kanya ay pagiging reyna ng kaplastikan.

Ibang-iba raw ang imahe ng babaeng ito kapag nakasalang na siya sa harap ng mga camera, parang ang nice-nice niya, pero kapag walang nakatutok na mga ilaw sa kanya ay nuno siya ng pagkamaldita.

Kuwento ng isang source, “Naku, alam na alam ‘yun ng mga katrabaho niya. Lalo na ang staff ng production na ginagalawan niya, sukat na sukat nila ang kamalditahan ni ____ (pangalan ng malditang female personality).

“Sa mga lugar na pinupuntahan nila, e, hindi siya puwedeng basta lapitan ng kahit sino. Ayaw na ayaw niya sa ganu’n! Kahit ang mismong owner ng mga bahay na pinagpapahingahan nila, no way, highway!

“Maldita talaga siya, may sarili siyang mundo, walang kahit sinong makapipilit sa kanya kapag ayaw niyang gawin ang isang bagay. Ganu’n siya katindi!

“Nu’ng minsan ngang nakalusot na kausapin siya ng mismong may-ari ng bahay kung saan sila nandu’n, e, takang-taka ang matandang babae sa nakita niya.

“Binati niya kasi ang girl, nagpakilala siyang owner ng house, pero tiningnan lang daw siya ng mula ulo hanggang paa ng iniidolo pa naman niyang babae.

“Instead na magbigay-galang siya sa may-ari ng bahay, e, tinitigan niya nang hindi maganda ang isang staff ng show, parang naiinis siya kung bakit may nakalapit sa kanya.

“Napakalaki ng mga mata niya, parang gusto niyang dagukan ang staff ng show, kasi nga, may nakalusot na matandang babae na nakalapit sa kanya,” kuwento ng nasabing impormante.

Ganu’n na siya kaplastik, tatak na niya ‘yun, wala nang makaaagaw pa sa kanya. Mukhang hindi nga nakadisenyo para sa showbiz ang hitad na girl.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, walang kahirap-hirap n’yong mahuhulaan kung sino ang plastikadang babaeng ito. Hmph!” pagtatapos ng aming source.

Read more...