Pia kay Marlon: Oo, nagseselos pa rin ako, napapraning, nagdududa!

PIA WURTZBACH MARLON STOCKINGER

INAMIN ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na nai-insecure rin siya paminsan-minsan lalo na pagdating sa kanyang boyfriend Filipino-Swiss racecar driver na si Marlon Stockinger.

Sa chikahan nila ni Vice Ganda sa Showtime, natanong siya kung napa-paranoid pa rin ba siya kapag ang pinag-uusapan na si Marlon, “Oo naman. Nandoon pa rin lahat, (duda), nagseselos ka pa rin minsan, napapraning, naghihinala.”

Tungkol naman sa pakikipagrelasyon niya bago rumampa noon sa Miss Universe, “Ayaw ko kasi ng distractions. Ayaw ko ng may magtatampo kapag nakita akong naka-swimsuit sa stage or magseselos, so no boyfriend.”

Last week, pinakilig ni Pia ang kanyang social media followers sa ipinost niyang anniversary message para kay Marlon, aniya, “A day delayed cos I was travelling back but happy anniversary my love!”

Read more...