Suko sa yosi

Good morning, Doc. Ako nga pala si JERRY EGIDO ng MAASIN CITY, 32 years of age. Ano po ba ang gagawin ko kung paano po mahihinto ang aking paninigarilyo kasi po hindi ko po talaga mahinto. Ano po ang dapat kong gawin? — ….4845

Sampung utos, sundin mo ito:
1. Huwag nang bumili ng sigarilyo.
2. Huwag nang manghingi ng sigarilyo.
3. Huwag nang tumanggap ng bigay na sigarilyo.
4. Huwag nang lumapit sa nagsisigarilyo.
5. Itapon na ang lahat ng mga bagay sa paligid mo na may kinalaman sa sigarilyo.
6. Huwag gamitin ang sigarilyo na pangtapal sa problema, panglusaw sa “stress” at pampalipas ng oras
7. Huwag kalimutan na kapag tumigil ka sa sigarilyo ng kahit ilang araw lang, makakaramdam ka ng sintomas ng “withdrawal” gaya ng sakit sa ulo, pagiging mainitin, pagkagutom, at paghahanap ng sigarilyo.
8. Huwag kalimutan na ang pagsisigarilyo ay “addiction” at “habituation” kaya’t mayroong “dependence” at “conditioning.” Hindi kaya sa sariling lakas lamang kundi kailangan na itama ang spiritwalidad at hingin ang tulong ng Diyos.
9. Huwag mangako sa sarili na hindi ka na magsisigarilyo kahit kailan, bagkus ay iwasan lang at itigil nang lubusan sa loob ng isang linggo. Kapag natigil na ang isang linggo, sundan muli ng isa pang linggo at isa pang linggo.
10. Kapag nagkaroon ng hudyat para magsigarilyo, bumalik sa unang utos.

Good day, doc. May tanong ako doc, I’m 39 years old, taga Davao, malabo man kunti ang paningen ko doc parang may sambol, nag- jogging man ako, doc 4 times a week. Tapos nagpatingin ako sa diabetes. Ano dapat inumun doc na gamot para sa mata ko. Thanks, doc. – Rolly of Davao, ….3163

Patingin ka muna sa espeyalista sa mata (OPHTHALMOLOGIST) para maeksamen ka nang maigi. Iwasan mo muna ang lahat ng matamis. Bawasan ang pagkain kung ikaw ay mabigat at mataba.

Good day Doc. Heal. Ano po ang mainam na gamot sa di makakatulog sa gabi sa may edad ba 60 years above. – Tsy, 36, Bayugan City, …3567

Mahiga lang kung inaantok na. Linisin mo muna ang lahat na nakakaabala sa iyong kaisipan bago matulog. Magdasal. Magpasalamat at humingi at humingi ng tawad. Uminom ka ng Benadryl 50mg cap sa gabi.

May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606.

Read more...