Sunshine Cruz sa ‘dining table sex’: That is a lie!

SUNSHINE CRUZ

MARIING pinabulaanan ni Sunshine Cruz na sila ni Macky Mathay ang tinutukoy sa isang malisyosong blind item.

Sa nasabing blind item, isang aktres daw ang nahuli ng kanyang anak na nakikipag-sex sa bago nitong dyowa sa ibabaw ng dining table. Ayon sa ilang netizens, sa mga clue raw na ibinigay ay parang si Sunshine raw ang tinutukoy sa blind item.

Nag-react si Sunshine nang makarating sa kanya ang isyu. Sa kanyang social media account, ipinost niya ang mensaheng, “I would want to believe the BI [blind item] is not pertaining to us…kahit marami akong natatanggap na comments and pambubuska [regarding] MY DINING TABLE. LOL!

“I’ve read it as the link was forwarded to me. Please don’t involve a child or my children. If this is indeed pinpointing to us, then this is definitely humiliating and hilarious at the same time. This is A LIE.”

Read more...