Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.9 lindol

Niyanig ng magnitude 4.9 lindol ang Eastern Samar kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:48 ng umaga. Ang sentro nito ay dalawang kilometro sa kanluran ng bayan ng Salcedo at may lalim na 17 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity V sa bayan ng Salcedo at Mercedes.
Intensity IV naman sa Lawaan, at Intensity III sa Borongan City, Guiuan at San Julian sa Eastern Samar; Tacloban City; Palo, Leyte; Catbalogan City sa Samar.

Read more...