KAHIT anong pakiusap marahil ang gawin nina direk Paul Soriano at asawang si Toni Gonzaga, hindi pa rin matitigil ang malisyosong tsismis about direk Paul and Erich Gonzales.
Habang paparating ang 2017 Metro Manila Film Festival, kung saan isa nga sa mga official entry ang pelikula nina Erich at Jericho Rosales ng “Siargao”, siguradong magpapatuloy ang tsismis tungkol kina Erich at Paul na siyang direktor ng pelikula.
Kumalat ang chika na nagkaroon daw ng “something” sina Erich at direk Paul during the filming of the said movie shot in Siargao Island, at balitang super affected daw si Toni Gonzaga sa mga chika linking her husband kay Erich.
At ngayong sagad-sagaran na ang promo ng “Siargao” tulad din ng iba pang entries, nakatitiyak kami na hindi mawawala sa listahan ng mga tanong from the entertainment media kung ano ba talaga ang tunay na score kina Erich at Paul lalo pa’t may mga nagsasabing mas naging close pa ang dalawa kahit nga tapos na ang pelikula?
Sa mundo ng showbiz, hindi talaga maiiwasang magkainlaban ang mga celebrities na magkasama sa isang project. At hindi rin maiiwasan ang ma-involve ang isang artista sa kanyang direktor. Pero sure naman kami na sasagutin nina Erich at direk Paul nang diretso ang tungkol dito.
Basta kami ay umaasang lalaban sa takilya ang bagong obra ni direk Paul na noon pa ma’y mahilig nang mag-experiment sa kakaibang tema ng pelikula.
Bukod kina Echo at Erich, kasama rin sa movie si Jasmine Curtis. May nakapagsabi sa amin na kapag napanood mo raw ang kabuuan ng “Siargao”, tiyak na magpaplano ka agad na makapunta roon dahil sa ganda ng lugar.
And yes, ang Siargao din ang isa sa binabanggit na lugar ni 2017 Miss Philippines-Universe Rachel Peters kung saan niya natagpuan ang tunay na paraiso.