‘Dapat lang kastiguhin ni Maine ang AlDub fans na walang urbanidad!’

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

TAMA lang na kastiguhin ni Maine Mendoza ang ilang miyembro ng AlDub Nation.

Karapat-dapat lang dahil sumosobra na ang mga ito sa idinidikta ng isang marespetong lipunan.

Wala na silang respeto kahit kanino, kung ano ang gusto nilang sabihin ay okey lang, wala silang pakialam kung may mga nasasaktan man sa kanilang mga sinasabi.

Basta hindi nila type ay puro upak ang inaabot sa kanila. Kapag napagtripan nilang i-bash ang mga personalidad na nagiging malapit sa kanilang idolo ay wala silang pagdadalawang-isip na nagpapakain nang masasakit na komento.

Dapat lang silang ipahiya ni Maine, dapat lang silang kondenahin, mismong idolo na nila ang nagsabi na kung makapagsalita at makapagdikta ang mga ito ay akala mo sila ang gumawa sa iniidolo nila.

Kung si Alden Richards nga na napakalaki ng naiambag na tulong para sumikat ang tambalan ay ganu’n na lang kung saktan ng ibang AlDub fans.

Mabuti na lang at edukado ang Pambansang Bae, pinababayaan na lang sila, hindi na lang sila pinapatulan.

Nakakahiya ang ugaling pinalulutang ng mga taong ‘yun. Hindi naman silang lahat. Pero may mga miyembro ng AlDub Nation na walang urbanidad.

READ NEXT
Best nanny ang Pinay
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...