PINATUNAYAN ni Kris Aquino na “there’s life after TV.” Habang hindi pa siya nakakabalik sa telebisyon, talagang kinakarir ngayon ng Queen of All Media ang mundo ng social media.
Kamakailan ay ibinalita ni Kris ang matagumpay na meeting niya sa mga taga-Google, Facebook at Instagram na ginanap sa Singapore. Ang pinaka-objective ni Kris ay para mas mapalakas pa ang connection niya sa online world bukod sa pagiging influencer para mas marami pang advertisers ang magtiwala sa kanya.
Dahil sa kanyang pagiging super active sa social media, tinawag na siya ng kanyang mga followers na Queen of Online World and Social Media.
Active na active ngayon si Kris sa kanyang Instagram (@krisaquino with 3.2 million followers) at sa Facebook (@RealKrisAquino). Halos araw-araw ay may mga bagong video na mapapanood ang mga netizen sa kanyang YouTube channel na The Aquinos kung saan marami ang naho-hook.
Dahil sa walang sawang suporta ng mga netizens sa kanya, puro pasasalamat na lang ang ginagawa ngayon ni Kris at ang pangako niya, sa darating na 2018 mas marami pang dapat abangan ang publiko sa kanyang social media accounts.
Sa isang post nga niya sa IG, sinabi niya sa netizens na huwag magsasawa sa kanyang pasasalamat.
Aniya, “Have you ever been written off? I have–on several occasions & over several decades. And truth is–it hurt like hell. But I wasn’t raised to indulge in self pity. And I am a MOTHER, responsible for the emotional, physical, and financial well being of 2 boys I love more than LIFE.
“So doors, roads, and avenues closed. But, ALLELUIA, God bless the internet! Because the digital age is upon us & because of this, the online skyway opened up for me; the one asset I have that works so well in this medium is AUTHENTICITY.
“Today my small team that’s young enough to fervently believe that there are still many YESes coming our way will fly to Singapore for our 2017 assessment & 2018 planning. Please wag kayong magsawa sa PASASALAMAT ko?
“Thank you from a very grateful heart that you gave me another chance to stay connected with you & for my team to create a viable business model w/ trusted brands now partnering w/ us to give you real experiences, real engagement, and real entertainment.”
Sa mga nagsasabi naman na sana’y makabalik na siya sa TV, ito ang tugon ni Kris, “The thought is so heartwarming but the choice isn’t mine to make. I don’t own the networks nor do I have any influence w/ the owners…please just keep watching me on FB.”