Jessy sa pagpapakasal kay Luis: Sa totoo lang, hindi ko pa alam!


ABOT-LANGIT ang kaligayahan ni Jessy Mendiola nang sorpresahin ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano at ilang kapamilya at kaibigan noong nakaraan niyang birthday.

Sa isang Instagram video na kuha sa nasabing surprise birthday party para kay Jessy, kitang-kita ang pagkabigla ng aktres. Siyempre, bukod sa kanyang family and friends, todo ang pasasalamat niya sa effort ni Luis para paligayahin siya sa kanyang ika-25 kaarawan.

Sa kanyang IG account naman, ito ang birthday message ni Luis para sa kanyang girlfriend, “Happy birthday, my howhow! You are the one that ties everything in my life together. All the good things happening in my life wouldn’t feel good if I didn’t have you to share them with.”

Narito naman ang mensaheng ipinost ni Jessy sa kanyang IG after the party, “Grateful for the small things, big things, and everything in between”

Sa isang panayam naman kay Jessy, sinabito nitong hindi pa niya masasabi kung handa na ba siyang magpakasal kay Luis, “I don’t know yet. Hindi ko pa talaga alam. I’m giving myself time kasi marriage is not something you just do out of a whim or something to do na biglaan lang.

“Parang I think kailangan pang pag-isipan ‘yun ng mabuti. Hindi ‘yung agad-agad lang dahil gusto niyo na agad. Feeling ko ang dami ko pang kailangan gawin in life not only in my career, but also in life and for myself for me to say that I am absolutely sure and ready to settle down,” aniya pa.

Pero naniniwala ba siya na husband material si Luis? “Yes sobra, even a father material sa mga bata, so ‘yun.”

Hirit pa ng aktres, “Whenever he speaks about me I feel like I’m very lucky. I’m very blessed na merong taong nag-appreciate sa akin that way. Si Luis naman he is always like that to the people he loves so parang sa lahat ng mga tao na naging close sa kanya or close sa kanya.”

Read more...