Petmalu lodi: Miss South Africa love na love si Pia Wurtzbach


DIRETSONG  ibinandera ni 2017 Miss Universe Demi Leigh Nel-Peters ng South Africa na isa si Pia Wurtzbach sa mga naging inspirasyon niya sa pagsali sa beauty pageant.

Sa “Ask Miss Universe” Twitter event kamakailan kung saan nabigyan ng chance ang mga netizens na makapagtanong sa newly-crowned Miss Universe, sinabi ni Nel-Peters na love na love niya si Pia bukod kay Margaret Gardiner, ang kababayan niyang nanalong Miss U noong 1978.

“I adore all previous winners but I really fell in love with Pia Wurtzbach after she won, and I love her reign,” ani Nel-Peters.

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Miss South Africa bilang bahagi ng kanyang Miss Universe reign at inaasahang muli silang magkikita ni Pia para sa mas intimate bonding moments.

Read more...