Sinabi ni VACC Region 3 Coordinator Pyra Lucas na bineberipika na niya sa Department of Health (DOH) Regional Office ang ulat at iginiit na wala pang naitalang insidente ng mga batang namatay matapos bakunahan ng dengue vaccine.
“Wala pang pumapasok na report [sa DOH Regional Office] about sa case na yun. Walang namatay dahil sa vaccine,” dagdag ni Lucas.
Nauna nang sinabi ni VACC founding chairman Dante Jimenez na tatlo na ang nasawi dahil umano sa dengue vaccine.
“Paano makakapagbigay ang DOH [ng cases] kung wala din silang alam?” ayon pa kay Lucas.
Sinabi pa ni Lucas na bagamat may ilang batang namatay sa rehiyon, wala namang impormasyon na may kaugnayan ito sa Dengvaxia.
“How can you conclude na dahil dun sa vaccine kung ‘di man lang naaral?” sabi pa ni Lucas.