Palasyo nagbabala sa mga junket ng mga opisyal

NAGBABALA si Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa mga junket matapos ipalabas ang Memorandum Circular number 35 na naglalayong matigil ang mga hindi otorisadong biyahe sa ibang bansa.
“Unauthorized foreign travels of certain  government officials have been observed, and the Office of the President continues to receive requests for foreign travel authority and entitlement to travel expenses and allowances that suffer from incomplete documentation and lack of sufficient time for evaluation,” sabi ni Medialdea sa Memorandum Circular 35.
Ito’y sa harap naman ng ulat na ilang opisyal partikular ng Malacanang ang walang tigil sa kakabiyahe sa ibang bansa.
“No official travel abroad shall be allowed unless it satisfies all of the following criteria. The purpose of the trip is strictly within the mandate of the requesting government official or personnel, the procjected expenses of the trip are not excessive and the trip is expected to bring substantial benefit to the country,” dagdag ni Medialdea.
Idinagdag ni Medialdea na bawal ding sumama sa opisyal na mga biyahe ang mga pribadong indibidwal, mga consultant, asawa at mga anak.
Nahaharap naman sa kasong administratibo at kriminal ang mga lalabag sa Memorandum Circular.
Inatasan din ni Medialdea ang Bureau of Immgiration na ipatupad ang kautusan.
“The Bureau of Immigraton is hereby directed to strictly enforce the provisions of this Cricular and promulgate the necessary rules and regulations to accomplish the objectives set for herein,” sabi ni Medialdea.

Read more...