PATI ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay naaadik na rin pala ngayon sa K-Pop.
Kris adik na rin sa K-Pop, bumilib sa galing at OOTD ng BTS
Ito’y dahil na rin sa tinatamasang international success ng K-Pop boy band na BTS. Mismong ang tinaguriang Endorsement Queen at bagong reyna ng social media ang nagbalita sa kanyang milyun-milyong followers sa socmed na isa na rin siya mga Pinoy na nabighani sa makulay na mundo ng Korean pop culture.
Nakuha ng BTS ang atensyon ni Kris nang mag-perform ang grupo sa nakaraang 2017 American Music Awards na ginanap sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California.
Bukod daw sa superb performance ng Korean boy band na ki-nabibilangan nina Jungkook, Jimin, V, Suga, Jin, J-Hope at RM, gustung-gusto rin daw ni Kris ang OOTD ng mga ito. Ayon sa report, ang suot ng grupo sa AMA 2017 ay mula sa Gucci na ang presyo ay mula $550 to $7580 o P27,000 hanggang P380,000.
Narito ang buong IG post ni Kris: “Am i too old to join the @bts.bighitofficial #btsarmy? I was late in discovering them, honestly i got interested after their AMA awards performance because of their GUCCI outfits.
“Then i watched them in Ellen & Jimmy Kimmel on @youtube and i bought their album on iTunes.
“I’ve never really watched Koreanovelas, nor have i been interested in K-Pop (actually i’m really a Taylor, Demi, Selena, and though she’s not of their age bracket Kelly Clarkson fan- so basically i really love the girls) BUT i now love #BTS, repeat mode now #BESTOFME!”
In fairness, ang daming natuwang BTS fans sa post ni Kris at talagang winelkam pa siya bilang bagong BTS army. May mga nag-suggest pa ng mga kanta ng grupo na dapat daw pakinggan din ni Kris.
Samantala, para sa lahat ng mga loyal followers ni Kris, marami pang sorpresang pasabog ang Queen of All Media sa mga susunod na linggo hanggang sa pagpasok ng 2018 lalo na sa mundo ng internet at social media.
Imagine, hanggang ngayon ay patuloy na umaani ng likes at shares ang kanyang “12 gifts of Christmas”. Ito ang paraan niya ng pagpapasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya kahit na wala na siya sa TV.
Talagang panga-ngatawanan na nga ni Kris ang pagiging isa sa mga Queen of SocMed sa Pinas.