Alden parang nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa open letter ni Maine


MAY nakakuwentuhan kaming isang malapit na kaibigan ni Alden Richards. Para raw nabunutan ng tinik sa lalamunan ang Pambansang Bae nang isambulat sa buong mundo ni Maine Mendoza na magkaibigan lang sila.

Nagulat lang daw siya sa pangyayari, wala ni sa kanyang hinagap na gagawin ‘yun ng kanyang ka-loveteam, pero napakalaking tulong sa kanya ngayon ng rebelasyon ng Dubsmash Queen.

Kuwento ng aming source, “Nakakahinga na siya nang maluwag ngayon dahil hindi sa kanya nanggaling ang revelation. Can you imagine kung siya ang naglabas ng totoong issue na hindi naman sila magkarelasyon ni Maine?

“Kung ‘yung wala nga siyang sinasabi at ginagawa, e, halos ipako na siya sa krus ng mga demanding nilang mga fans, ‘yung sa kanya pa kaya ‘yun manggagaling?

“E, di kaliwa’t kanang pamba-bash ang inabot niya? Kaya nakaganda kay Alden ang ginawa ni Maine. Ayaw na ayaw pa naman ni Alden sa pretension, kaya nga nu’ng tanungin siya sa interview sa kanya kung taken na ba siya o single pa, e, nagpakatotoo siya sa pagsasabing he’s single!

“Inupakan siya nu’n ng mga selfish fans nila ni Maine, pero sino ngayon ang totoo at nagpapanggap lang? Sino ang vindicated?” pagtatapos ng aming kausap.

Read more...