Claudine naospital na naman, kailangang operahan

KUMALAT sa social media kahapon ang isang video kung saan makikita si Claudine Barretto na nasa hospital.

Sa Instagram account ni Claudine naka-post ang nasabing video. Balitang na-confine roon ang aktres matapos maoperahan.

Makikita sa video si Claudine na nakasuot ng flu mask at hospital gown habang nakahiga.

Habang sinusulat ang ba-litang ito ay wala pang ipino-post ang estranged wife ni Raymart Santiago tungkol sa kanyang pagpapa-ospital at kung bakit siya kinailangang operahan.

 

Read more...