Taga-Cebu wagi ng P29.7M jackpot

  Isang mananaya sa Cebu ang nanalo ng P29.7 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Sabado ng gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Ground Floor ng Gaisano Capital Mall, sa F. Ralota St., Danao City, Cebu.
    Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 37-35-45-11-24-22.
    Mayroon siyang isang taon para makuha ang kanyang premyo sa main officeng PCSO sa Mandaluyong City.
    Nanalo naman ng tug-P81,680 ang siyam na mananaya na nakalimang numero.
    Tig-P1,570 naman ang 373 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 8,609 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...